Pandayan Items - Christmas Tree

Pandayan Items - Christmas Tree

Dahil sa maayos na pakikisama natin sa ating mga Panauhin, ang iba sa kanila ay napalagayan na natin ng loob na kahit saan man tayo magkasalubong ay naroon pa rin ang pagbati o pagkumusta natin sa kanila.
Nitong nakaraan ay nagkita kami ni Sir Joon ng CFPJ sa may City Mall at binungaran niya ako ng ngiti at tinanong kung nakita ko na raw ba ang kanilang Christmas tree sa kanilang paaralan. Dahil hindi ko pa ito nakita ay agad niyang kinuha ang kanilang cp at pinakita sa akin.
Nakakatuwa dahil mga paninda pala natin ito na kanyang binili noong nakaraang buwan (Papelikha Box, Computer Inks, Glittered Foam at Xmas lights) mapapansin na walang ibang items dito kundi yung sa atin lang kaya naman nagtanong ako. Ayon po sa kanya ay sinabihan daw po talaga niya ang kanyang mga guro na huwag maglalagay ng ibang items na hindi galing sa atin. Christmas tree lang ito ni Pandayan ang banggit pa daw niya. Nakakatuwa dahil nakita ko kay Sir Joon na isa talaga siya sa nagtitiwala kay Pandayan dahil nalipat man siya ng ibang paaralan ay mas pinili pa rin niya tayong balikan at dito mamili ng kanilang mga kailangan.